Friday, March 27, 2015
Graduate na tayo.
Nakaraos na tayo sa sampung buwan ng huling taon nating pag-aaral sa Assumpta Academy. Sampung buwan na laging magkasama. Sampung buwan na nag-uutuan. Sampung buwan na naghaharutan. Sampung buwan na nagdadaldalan. Sampung buwan na nagtititigan lol. Kasama na din sa sampung buwan na 'yon ang mga walang humpay na asaran, bwisitan, pati na rin ang 'di mabilang na pagsusungitan, at konting tampuhan hehe. Sa loob ng sampung buwan na 'yon, nandiyan ka lagi para sakin. Lalo na sa mga panahong nabubully ako. O kaya naman ay sa mga oras na kailangan ko ng magsasampal ng realidad sakin. Nandiyan ka din sa mga panahong nalulungkot ako, naiistress, naiirita, na yung mga tipong handa na kong pumatay ng lamok sa sobrang irita ko. Maraming salamat. Maraming salamat at hindi ka nagsawang samahan ako sa bawat araw na nagdaan, at pati sa pagsama pa din sakin hanggang ngayong puntong ito. Kahit ilang beses mong sabihing di ko na kailangan pang pasalamatan 'yang mga bagay na 'yan, hindi mo pa rin ako mapipigilang gawin 'yon. Kasi sa bawat pagkakataon na naiisip ko lahat ng yan, lahat ng mga nagawa mo na para sa akin, feeling ko kulang pa nga ang salamat para maparating ko sayo kung gaano ako kathankful sa lahat lahat. Kung gaano ko kathankful na mayroon akong Ashley Gomez sa buhay. At kung gaano din ako kathankful na binigyan mo ng pagkakataon ang isang Angelu Carreon na maging parte din ng buhay mo. Maraming salamat. Sobrang salamat sa pag-intindi at sa patuloy mong pag-intindi sakin. Sobrang salamat sa bawat segundo, minuto, oras, at araw na binabahagi mo sakin. At sobrang maraming salamat sa pagmamahal, sa pakialam, at sa pagbibigay mo ng importansya sakin at sa pagkakaibigan na 'to. Hindi mo alam kung anong saya yung nadulot ng pagkakakilala ko sayo sa buong taon ko ng pag-aaral sa AA, at sa buong buhay ko din. Salamat. Akala ko magiging normal lang na pag-aaral ang mangyayari sakin ngayong high school. Akala ko yung normal lang na nararanasan ng mga estudyante. Pero nagkakamali pala ko. Mali pala kong akalain ang mga ganoong bagay. Dahil may darating nga palang magbibigay ng thrill sa pag-aaral ko sa AA. Salamat. Hindi ko talaga inaasahan na magiging ganito ko kasaya sa apat na taon kong pag-aaral. Hindi ko inaasahan na sa bawat araw ay maeexcite ako na pumasok. Hindi ko inaasahan na may tao palang hindi magsasawa sakin pati sa mga trip ko sa buhay bukod sa pamilya ko. Salamat. Salamat sa sampung buwan na nagdaan bespren. Nalaman kong posible pa palang mahalin pa ng sobra araw-araw yung taong mahal mo na ng sobra. Salamat sa walang sawa mong pag-unawa sa kabanuan ko. Maraming salamat. Salamat sa pagsuporta sa mga balak kong gawin, at sa mga pangarap kong gawin kahit wala pa man. Salamat sa pagsuporta kung sa kung saan ako masaya. Salamat at tinutulungan mo kong maging masaya sa araw-araw. Salamat at di mo ko iniiwan, iniwan, at iiwan diba? Salamat. Pano ba yan? Panibagong yugto naman ng buhay natin ang irarak natin. Nandiyan ka pa din naman diba? Maraming salamat bespren. Maraming beses ko mang nasabi ang salamat dito, sa palagay ko ay hindi pa din sapat ang lahat ng 'yon. Wag kang mag-alala, handa naman akong palitan ng pagmamahal ang bawat salamat na gusto kong sabihin eh. At humanda ka na sa walang katapusang pagmamahal na handa ko pang iparamdam, kahit dati ko pa pinaparamdam. Maraming salamat bespren. Mahal kita. :)
Subscribe to:
Posts (Atom)