Friday, March 27, 2015

Graduate na tayo.

Nakaraos na tayo sa sampung buwan ng huling taon nating pag-aaral sa Assumpta Academy. Sampung buwan na laging magkasama. Sampung buwan na nag-uutuan. Sampung buwan na naghaharutan. Sampung buwan na nagdadaldalan. Sampung buwan na nagtititigan lol. Kasama na din sa sampung buwan na 'yon ang mga walang humpay na asaran, bwisitan, pati na rin ang 'di mabilang na pagsusungitan, at konting tampuhan hehe. Sa loob ng sampung buwan na 'yon, nandiyan ka lagi para sakin. Lalo na sa mga panahong nabubully ako. O kaya naman ay sa mga oras na kailangan ko ng magsasampal ng realidad sakin. Nandiyan ka din sa mga panahong nalulungkot ako, naiistress, naiirita, na yung mga tipong handa na kong pumatay ng lamok sa sobrang irita ko. Maraming salamat. Maraming salamat at hindi ka nagsawang samahan ako sa bawat araw na nagdaan, at pati sa pagsama pa din sakin hanggang ngayong puntong ito. Kahit ilang beses mong sabihing di ko na kailangan pang pasalamatan 'yang mga bagay na 'yan, hindi mo pa rin ako mapipigilang gawin 'yon. Kasi sa bawat pagkakataon na naiisip ko lahat ng yan, lahat ng mga nagawa mo na para sa akin, feeling ko kulang pa nga ang salamat para maparating ko sayo kung gaano ako kathankful sa lahat lahat. Kung gaano ko kathankful na mayroon akong Ashley Gomez sa buhay. At kung gaano din ako kathankful na binigyan mo ng pagkakataon ang isang Angelu Carreon na maging parte din ng buhay mo. Maraming salamat. Sobrang salamat sa pag-intindi at sa patuloy mong pag-intindi sakin. Sobrang salamat sa bawat segundo, minuto, oras, at araw na binabahagi mo sakin. At sobrang maraming salamat sa pagmamahal, sa pakialam, at sa pagbibigay mo ng importansya sakin at sa pagkakaibigan na 'to. Hindi mo alam kung anong saya yung nadulot ng pagkakakilala ko sayo sa buong taon ko ng pag-aaral sa AA, at sa buong buhay ko din. Salamat. Akala ko magiging normal lang na pag-aaral ang mangyayari sakin ngayong high school. Akala ko yung normal lang na nararanasan ng mga estudyante. Pero nagkakamali pala ko. Mali pala kong akalain ang mga ganoong bagay. Dahil may darating nga palang magbibigay ng thrill sa pag-aaral ko sa AA. Salamat. Hindi ko talaga inaasahan na magiging ganito ko kasaya sa apat na taon kong pag-aaral. Hindi ko inaasahan na sa bawat araw ay maeexcite ako na pumasok. Hindi ko inaasahan na may tao palang hindi magsasawa sakin pati sa mga trip ko sa buhay bukod sa pamilya ko. Salamat. Salamat sa sampung buwan na nagdaan bespren. Nalaman kong posible pa palang mahalin pa ng sobra araw-araw yung taong mahal mo na ng sobra. Salamat sa walang sawa mong pag-unawa sa kabanuan ko. Maraming salamat. Salamat sa pagsuporta sa mga balak kong gawin, at sa mga pangarap kong gawin kahit wala pa man. Salamat sa pagsuporta kung sa kung saan ako masaya. Salamat at tinutulungan mo kong maging masaya sa araw-araw. Salamat at di mo ko iniiwan, iniwan, at iiwan diba? Salamat. Pano ba yan? Panibagong yugto naman ng buhay natin ang irarak natin. Nandiyan ka pa din naman diba? Maraming salamat bespren. Maraming beses ko mang nasabi ang salamat dito, sa palagay ko ay hindi pa din sapat ang lahat ng 'yon. Wag kang mag-alala, handa naman akong palitan ng pagmamahal ang bawat salamat na gusto kong sabihin eh. At humanda ka na sa walang katapusang pagmamahal na handa ko pang iparamdam, kahit dati ko pa pinaparamdam. Maraming salamat bespren. Mahal kita. :)

Saturday, February 7, 2015

Alam kong alam mo na 'to. Wag ka ng magkaila. Grabe. Ang tagal ko 'tong tinago. Ng dahil lang sa pagpunta nyo sa bahay namin eh nadiskubre mo pa. Sabi ko na nga ba may mangyayari pag pumunta kayo samin eh. Hahahaha. Pag uwi nyo kaya non, nagpanic na ko. Hahahahaha. Inayos ko mga dapat ayusin kung sakaling may matandaan ka man o balikan eh inalis ko na hahahaha. Pero ewan. Sabi mo picture lang ng kumakain ng cookies ang nakita mo. SA TINGIN MO NANIWALA AKO. Hahahaha medyo nung una, kaso nung sinabi mo talagang ang daming drafts, kinabahan na ko af. Kasi lahat to puro drafts!!!! Hahahaha. Kahit sinasabi mong di mo alam bat ako nagooa, ang hirap talagang paniwalaan kasi feeling ko ang tagal nyo ng tinitignan yon eh. Kaya ayon. Madami dami na ang nakita hahaha. Surprise nga kasi dapat eh! Wala na tuloy thrill. Hahahaha. Yung content na nga lang, dun ka nalang matouch. Ha? Oh ayan go. Basa na, enjoy! 
P.S. Ang pangit ba ng font? Sakit sa ulo no? Hayaan mo na hahaha, pakiunawa nalang. Go na! 
P.P.S. Gaya ng pagbabasa mo ng lagpas sampu sa maliit na notebook, bisitahin mo din to ng madalas ha bespren? Magblog ka din pag trip mo, sabihin ko na sayo password netong blog. Kaya ko lang naman di mabigay non kasi nga may pakeme pa kong ganto non e. Ayoko namang matagpuan mo ng buo agad. Sayang ang matagal na pagtago haha. Pero eto na sya ngayon. Sumaya ka sana bespren. Maligayahan ka sana. Well kung hindi man, okay lang. Makonsensya ka nalang ha? Hahahha dejk. Ako kasi eh naligayahan. Lalo na na maparating ko sayo lahat ng to. Kulang pa nga to eh, im just out of words u kno. Pero eto na nga!
Sabi ko kay Yow non, ganto ko magregalo talaga, bukod sa likas akong kuripot talaga, eh I prefer na pageffortan ang lahat. Parang mas may dating diba. At, ewan ko ba, mas gusto kong nakakapag paiyak kapag bday. Pero di ko pa naaachieve yon. Kay Yow palang hahaha. Ang sadista ng dating pero bat ba! Feeling ko effective at sinapuso nila yung bigay ko pag ganon. Pero pag sayo, wag kang umiyak ha! Di ka kasali sa mga gusto kong mapaiyak. Kahit sinabi ko non na gusto kong makita ka na umiiyak, at pakiramdam ko eh achievement pag napaiyak kita dati, pero taragis ayoko palang makita kang umiiyak bespren. Kahit pa dahil sa thesis eh di ko pala kayang umiiyak ka. Lalo nga pala talaga pag alam kong wala kong nagagawa para di ka na umiyak no? Nakakainis. Ang sarap sapakin ng sarili pag ganon eh. Nakakadurog nga pala talaga ng puso bespren. Pag ganon eh gusto nalang kitang ihuuuuuug ng matagal yung tipong di ka na iiyak, yung nagamot na ng hug ko yung sakit dyan sayo. Tas bibitiw nalang ako pag wala ng luha na readyng pumatak anytime. Di ko kasi ata talaga kaya :( Gusto ko masaya ka lang lagi. Okay na ko na makita kang masungit, nakanguso, nagtataray, nagagalit, nagtatampo (ay di pala okay medyo), tumatawa, kinikilig, mukang aso, at pogi kesa umiiyak. Ayokooo. Di ko kaya :( Alam mo naman dibang duwag ako, and mukang nadagdag na sa mga kinatatakutan ko ang makitang umiiyak ka. Ayoko bespren ayoko ayoko. Di ko kasi alam gagawin. Feeling ko walang kwenta ko pag ganon. Yung di sapat yung ginagawa ko, kahit hindi naman. Basta. 
Pero alam ko namang imposibleng di ka umiyak no. Kaya tandaan mo nalang, kahit takot akong makita kang umiiyak bespren, I'm ready to conquer my fear everytime na kelangan mo ng balikat at bespren na masasandalan sa mga panahong alam mo na. Kaya pag may mga pinagdadaanan ka sa buhay, may bespren ka ha? Wag mong kakalimutan. Wag mong sasarilihin. Me and you against the world ang drama natin dito okay? Tapos magtatampo talaga ko pag nalaman na muna ng lahat ng tao ang problema mo tapos ako hindi ko padin alam. Sapakan pag ganon jusko! Hahaha. Basta bespren ha? Nandito lang ako lagi. Gaya nga ng sabi mo, nasa likod mo lang din ako lagi. Just call my name, and I'll be there. ;)

The Adventures of Pak and Yu

Hoy Gomez. Diba birthday mo? O ano naman? Hahahahaha. Napakaganda ng regalo ko sayo. Matouch ka nga. Pinagbigyan kita sa pagkakataong 'to sa kaadikan mo sa asul. Monster ka talaga! Halimaw. Hahahaha. Hoy wag ka! Bongga 'tong blog na 'to, may paplaylist chuchu pa! Tapos ang gaganda ng kanta nyan oy! May boom panes dyan! Hahahahaha, oops. Wag mong titingnan! Hayaan mo lang syang magplay. Pag ginalaw mo yan, sasabog yan sige ka. Lalabasan ng airplane yan patay ka. Nako! Hahahaha. Eto nga pala ang halimbawa ng isang blog na sa umpisa palang ay maaattach ka na, at di mo gugustuhing tigilan ang pagbabasa. Syet, naachieve ko na ang gusto kong mangyari dati palang! Hahahaha kaya basahin mo to lahat ha! Tapusin mo! Kahit mahaba, tyagain mo please. :)
Alam mo bang matagal tagal ko ng nagawa tong blog na to? Last year pa, nung birthday ko hahaha. Wala lang, naisip ko lang bigla. Since mahilig naman akong magsulat ng mga walang kwenta, pero eto may kwenta to, I swear. Ayos to may soundtrip pa. Alam mo naman ako, di ko halos kaya magsulat ng walang tugtog, kaya ayan. Gusto ko din syempre may pakeme kang bg music habang binabasa mo ang mga sandamakmak kong 'hahaha' hahahahaha. Hoy ako mismo namili ng mga kanta ha! Kaya abangan mo na ang mga sandamakmak na the vamps, bieber, etc. Hahaha de joke lang, syempre yung iba mga pang emote. Joke lang! XD Bilisan mo magbasa ha! Baka maubos na yung kanta nagbabasa ka pa din! Wala ng reserba yan! Pero mukang sobrang dami ng kanta ko eh hahahaha! Eto na nga. Game na!
Di talaga yung blog yung regalo ko sayo, o si Cookie Monster. Dahil birthday mo at walang pasok, kawawa ka naman. De joke lang. Dahil birthday mo at matanda ka nanaman.. OMG SWEET SIXTEEN~ HAHAHAHAHAHA. Di ka naman sweet. Well joke, madalas pala. XD At dahil matanda ka na sakin ng isang taon. HAHAHHAHAHAHA. Nakakatawa lang isipin. Matanda ka na! De ayon nga. Reregaluhan kita ng Time Machine. Kahit ayaw mo ng Time Machine nung inalok kita non, kasi sabi mo ayos ka na sa angelika jiyan. Bibigyan padin kita. Di ka naman sa grade 6 mo babalik eh. Wala ko dun no, duh. Ano bang alam ko dun. Hahahaha. Tayo ay magbabalik tanaw mula sa pinakaumpisa. Sa pinakaumpisa na di mo alam. Kasi yun yung pinakaumpisa na ako lang yung may alam. Gets mo ba? Hahahahaha. Angelu Maganda’s POV to! Kaya wag kang kokontra. Lalo na kung mga may mali akong information o maling pangyayari na natatandaan! Eh POV ko to eh! Hahahahahaha. Lakas ng loob kong magbalik tanaw eh yung iba nga ata di ko na tanda. Basta! Kung may kulang man, POV ko to eh! Alam mo naman. Hahahahaha. Sige eto na. Magkekwento na ko. 
Alam mo ba nung first year. Ay parang wala naman pala kong ganong makekwento nung first year. Eh basta. Lagi na kitang nakikita nung first year. Hahahaha. Malamang no? Basta de ayun nga! Tuwing recess o lunch nalang, di lilipas ang buong araw ng di ko maririnig boses mo. Alam mo ba yon? Hahaha nakakatawa talaga pag naaalala ko yun. "Hello Cherrie!" "Hello Yona!" "Hello Jheymie!" "Hello Lady!" sino pa ba? Hahahahaha basta lagi yan! Tas ang taas pa ng pitch mo hahahaha. Kahit saan yata na makita mo sila sinasabi mo yan. Eh siyempre nasa canteen din ako, ayun naririnig ko. Kaya first year palang nagpakilala ka na sakin. Bilang isang masiyahin at hyper at laging mataas ang energy. Tapos! Ikaw pa yung laging kasama ng kakambal ni Cathy which is Chichi. Ikaw yon diba? Syempre hahahaha. Yun lang ang kwento ko nung first year sayo. Nung mga unang buwan nga lang halos yan eh, kasi nung mga sumunod, di na kita napagkikikita. Tapos syempre ano bang pake ko non sayo? :p
De eto na, second year na. Diba nakwento ko nanaman sayo non na ayokong ayokong ayokong ayokong ayoko talaga sa section na napuntahan ko? Kasi eh, nandon si Mheo, si Bernard, kasi balita non yung napawalk out ni Nard yung pari eh hahahaha. Eh bilang mabuting tao na hinubog sa apat na sulok na kwarto ng mapag anong section na I-Love, de hinusgahan ko na sila nun pa man. Basta ayoko sa kanila, masyadong magulo ganern. XD Tapos si Pamela pa! Kaklase ko pa! Eh nung mga kapanahunang yon eh, madami syang issue issue at bilang mapang anong section, kung ano ano ang umiikot sa isip ng bawat isa sa I-Love, basta ayaw namin makaklase yon. Hahahahaha. At isa ko sa naging maswerte na nakaklase ko silang lahat na ayaw ko/namin. Tapos wala pa kong kaclose don sa section na yon taragis. Anywayssss, masyado ng mahaba ang intro ko.
De wala na kong nagawa, dun na section ko. Di ko nagawang magpalipat kasi wala naman akong koneksyon sa eskwelahang aking ginagalawan. Kaya wala akong ibang nagawa kundi tanggapin na lamang ang lahat at subukang enjoyin ang buong school year. Napunta pa samin ang bagong teacher! Na kamuka ni Pooh, nakakalokang taon nga naman, sabi ko sa isip ko nung pumasok ako. Hahahaha! Para kong manunulat ng isang libro sa aking paraan ng pagsulat. XD Oh tapos! Di ko inakala na sa section na pinakakinasusuklaman kong mapunta pala ko makakahanap ng yieeee. Ng iniibig at iyon ay si Luis. :") Matagal na kaming may relasyon, di ko lang sinasabi sayo. <3 Hahahahaha! Hoy joke lang ha maniniwala ka nanaman. Idadagdag mo nanaman sya sa bilang ng mga boypren ko kamo. Kay Yow na si Luis, di na ko aagaw pa haha. Sa akala kong walang kwentang section pala ko makakakita ng Pak, ng Monster, ng duling na Ashley, ng maliit na Jensine, at ng bespren. :) Totoo nga na dumadating ang mga mahahalagang tao sa buhay mo ng di mo inaasahan. Sa hindi mo inaasahang panahon at pagkakataon. Yieee. Pano ba kasi tayo naging close? Di ko din kasi matandaan pano eh. Ay oy! Kelan tayo unang nag-usap?! Di mo pa nga pala sinasabi kung kelan, kasi alam ko mas una yung alam ko kesa sa alam mo. Hahahaha! Ang una kaya nung ano! Diba may paactivity si Gizill nung first day yata or second day. Yung pass the message chuchu na tongue twister yata yon! Tapos eh, tinanong mo ko! Tinanong mo ko kung "Ano bang gagawin?" YON! Yun ang una diba? O kung mas una pa yang alam mo, pakishare naman. Pero alam ko mas una talaga tong natatandaan ko eh. XD De ayun na. Tas wala na kong ibang matandaan. Yung sa AVR nga hahaha. Bat mo ba hiningi number ko non? Crush mo na ko non no? Sabi ko na nga ba hahahahaha. Tapos ako naman si bigay, pano kung sindikato ka pala no? Tsk. Di talaga ko nag iisip dati. Hahahaha. Ano pa ba? Nilipat ako ni Gizill sa may mga pwesto nyo. Diba nung una alphabetically arranged, tas e nilipat niya ko non sa may senyo, di ko na din matandaan bakit. Tas ayon, inis na inis ako non pano sila Kaira nga lang kadaldalan ko non kasi sila lang kilala ko tapos nilipat pa ko sa mga wala kong kilala at OP pa ko hahaha. Baka dun din no? Nung pagtagal kasi non eh, nagdadaldal na ko sa mga katabi ko, di ko alam kung pati sayo madaldal ako, masungit ka kasi non eh sarap mong hampasin. XD Di ko na alam san napupunta tong mga kinukwento ko hahahaha. De nagtext ka yata! Kasi syempre di naman pwedeng ako magtext kasi wala kong number mo hahahaha. Ayon nagtext ka sabi mo, 30w pH03sxz szH1 4n63Lu bH4 1tH0e? HAHAHAHAHAHAHA. Hilong hilo ko non sa text mo. Di ko alam kung may isosolve pa ba ko bago ko madecode ang message. HAHAHAHAHAHAHAH. De actually di ko na talaga matandaan kung ikaw ba nagtext o ano man ang nangyari pati ang una mong text ay di ko na matandaan. Kasi wala pa ko ganong pake sayo non. Classmate ka palang sakin non. XD Tas ayon, wala nanaman na kong matandaan. Basta alam ko non, naihi ka nga. Paborito kong katangahan mo sa buhay yon eh. Di ko ba malaman anong kabaliwan ang pumasok sa isip mo non. Hahahahaha. Wala na kong matandaang proseso ng pagiging close natin. Dun na nga ko agad sa close na tayo at may halaga ka na sa pamumuhay ko hahahaha. Alam mo bang hindi ko din alam sa sarili ko bakit sayo parang may something, parang special yung love ko sayo, alam mo yun. Yung kumpara kela Dannah at kela Ava, kahit mas madalas ko silang kasama, mas may something sayo. Di ko din alam bakit ganon. Maybe it's something that's in my veins hahahahahaha. Ano pa ba? Yung pastillas! Hahaha, short but sweet. XD Love na love mo na ko nung mga panahong yun no? Obvious kaya. HAHAHAHA. Tas ang mga sandamakmak kong yellow paper. Di ko ba alam bakit yellow paper ang una kong nakikita pag feel ko magsulat at mag enjoy. Tapos yung yellow paper pa na kulay green ba o blue? Basta! Hahahahaha. Tapos yung espasol mo naman na di pa pantay ang sulat. :")  Nakakatuwa talaga pag sa walang line ka nagsusulat. Hahahahaha puro panlalait ko yata sayo magiging outcome nitong blog na to eh hahahahaha. Tapos ang Alamat ng Pakyu, na nabuo sa time ng Biology class ni Ma'am Leoncio. Minsan talaga ang di pakikinig sa teacher ay may magandang nadudulot sa buhay ng estudyante eh. Tingnan mo, sa di natin pakikinig nakadiskubre tayo ng kakaibang way ng pagpapahayag ng ating damdamin sa isa't isa ngunit sa pagkakataong ito ay madami ng nakagaya sa atin, itago nalang natin sila sa pangalang Jheymie at Emerald, ngunit tayo padin ang nauna sakanila kaya magmamatigas tayo at dededmahin lang ang panggagaya nila dahil tayo ang original. Diba Pak? ;) Sa puntong ito, tinatamad ka na bang magbasa? WAG PLEASE. Mahaba pa ang adventures natin. Hahahahaha. Alam mo ba nakakatawa talaga ang kwento natin, diba kadalasan sa mga bandang huli yung climax? Yung thrill nung story? Yung plot twist? Well satin, chapter 1 palang, nandon na yun plot twist! Hoy ayokong magdrama. Masaya dapat! Pero ayos na nga. Tapos na naman yon eh. Pag tinitingnan ko yung papel, yung pinagawa ni Ma'am Gomez/David, sabi mo don, Di kilala ang sarili, Patangay. Tapos basta madami pa. Haha diba sinulatan mo yun pagkatapos? Siguro ngayon eh, gusto kong magthank you kay ma'am at naisipan nya yon, kahit na ang main intention naman talaga niya ay maparating lang satin na nasa loob ang kulo nating lahat haha. Pero gusto ko pading magthank you kasi atleast hangga't maaga eh nalaman ko ang hinaing ng taong bayan sakin tapos nagawan ko pa ng paraan para mabago diba. Nabago ko naman diba? Ayos na naman ako ngayon diba? Sana. Hehe. Tah naalala ko nanaman ang mga pagkakataong naging iyakin ako hahahahaha! Naging saksi talaga ang library non sa lahat. XD Naalala ko non pauwi na kami dapat ni Lovely non eh hahahahaha. Nasa may gate na kami, eh binabagabag talaga ko ng kung ano man, ayun na. HAHAHAHAHAHA. Di talaga ko sanay ng nagsosorry na pormal. Gara ko non talaga hahahahaha. Mga kamalian sa buhay, na dapat gawing inspiration at motivation at para di na maulit pa. Hahahaha diba seatmate? :) 
Okay. Third year na. Hahahahaha. Eto na ang nawawalang pieces ng puzzle ng aking utak. Pero pinaalala mo na sakin 'to diba? Yung mga unang buwan. Diba nakapagsabihan na naman tayo ng mga hinaing natin sa isa't isa non? Wala na din kasi kong maisip na itype kasi nga alam mo na. Pati wala na din akong maikwento kasi nasa bubwit na kulay blue something na notebook na yon lahat. Ay taray diba birthday mo din yon? Isang taon na pala yon no? Ayos pala hahahaha, nakalagay pa nga pala don na kapag mag asawa na kayo ni bernard pabasa mo yon sakanya hahahahahahaha para malaman niya mga kalandian mo sakanya hahahahaha. Si Mario at si Maria :") Wala na ba talaga kong ipupush sa Leyber? Di mo na ba talaga bet? Kahit konti? Hahahahahaha de joke lang. Well kahit na ayaw mo na. I will be a fan forever. Kahit wala wala na sayo pag nag uusap kayo or something na tinatawag kong 'moment', basta ko kinikilig padin deep inside. Wala nalang basagan okay? Di na naman kita pinipilit kasi maganda ko hahahahaha de joke nakamove on na talaga ko sa Leyber hahahahahaha. Gaya ng sabi ko dun sa itaas, hanapin mo sang itaas. XD Kakaiba talaga tong kwento natin diba. Nauna ang climax, ang plot twist at kung ano pa man. Tapos wala na, ayos na, diba? Kung isa itong normal na kwento, baka walang magbasa nito. Kasi magiging predictable na ang lahat diba? Tapos boring na kasi, corny non naunang ireveal yung plot twist ibig sabihin wala ng unusual na mangyayari sa mga susunod na chapter, puro kanormalan lang. But, di naman kwento to sa wattpad o sa libro o sa kahit na anong site pa. Buhay natin to dibaaa? Tapos, kahit ganto to, nauna yung plot twist, so what? Para ngang yung bawat chapter na dumadaan eh, sobrang exciting lagi. Parang pagkatapos ng isang araw, mapapangiti nalang na, Wow, ang saya ng araw na to. Mga ganon bang feeling hahaha. Naboboringan ka ba? Ako kasi hindi eh. Everytime, I'm like oh oh oh oh~ hahahahaha. Diba karaniwan pa sa mga story na may mga ganong klase ng plot twist, maagang natatapos yung relasyon ng kung ano mang meron sila, diba? Pero fortunately, yung sa kwento natin eh hindi ganon ang nangyari. Kaya maswerte tayo! Hooray for today! Hahahahaha. Ang astig no? Imbis na lumaylay ang matatag nating pagsasamahan ay mas lalo itong tumibay at mas lalo mo kong minahal sa mga pagkakataong to. :") HAHAHAHA. Magaling kasi yung Author natin eh. :) May mga tao lang talaga na mtb maghiwalay at di makilala ang isa't isa, well hindi tayo belong don. Ikeclaim ko na. Hindi talaga. Masyadong naging maganda yung 3rd yr para sakin. Naging masaya, naging makabuluhan, naging kasabiksabik. Hahahaha. Maraming salamat at naging parte ka ng magandang buhay ko nung ikatlong antas. XD Ang makata letse hahahahaha. Alam ko naman na naging masaya ka din non, sa section, sa buhay, at sa akin. Hahahahahahaha. Kasi ako din naman naging ganon. :) Sa dami ng pag iinarte natin sa isa't isa non, wala pading nangyari. Di padin nabuwag! Hahahahaha may sa engkanto talaga tong pagmamahalan natin eh! Iba talaga ang Power of Love~ HAHAHAHAHA.  
Oh eto na, 4th  year na!!!!! Well bago pala don, nasabi ko na ba sayo na nung last day nung 3rd year eh gusto kitang ibulsa non at iuwi kasi alam kong sobra sobra kitang mamimiss sa mga susunod na araw? Kaso eh, wala eh. Di kita nabulsa non, tas umuwi ka na. Ala na. :( Yun lang. Hahahaha nung bakasyon naman! Hahahahaha. Ano ba meron pala non? Yung epic mong suprise nung birthday ko. Maipush mo lang na may surprise ka talaga sakin kasi gusto ko ng surprise hahaha! Pero kahit na 11:59 mo yon nasend sakin, sobrang naappreciate saka kinilig talaga ko non huh hahaha. Tapos eh, tama ba tanda ko, apat na beses mo kong binati non? Tas yung huli eh nung sabi mo matutulog ka na tas nagpauto nanaman ako ulit, tapos nagtext ka ulit ng 11:59 para maghbd sa huling pagkakataon. Tama ba ko ng natatandaan? Hahahahaha! Kahit walang edward na bumati sakin non eh, saka may carlo na kala eh sa 7 pa bday ko eh, keri na no. May Pak naman ako na for the first time in forever eh nalaman kong nagpigil ng antok. Hahahahaha. I love you. :) Tapos nakakatawa talaga. Yung kahit sobrang namimiss na natin ang isa't isa, di padin tayo ganong nagkikibuan nung nagkita tayo nung kuhanan ng card. Bakit nga ba ganon no? Hahahahaha. Bakit nga ba ko nahihiya non sayo para namang unang pagkikita natin yon sa tanang buhay natin hahahaha. Baka namiss lang kita talaga non na, naspeechless na ko tas ineenjoy ko nalang ang moment ng di ganong kumikibo. Baka no? Hahahaha next na. Hoy! May secret akong sasabihin sayo ha? Diba sa simbang gabi, kapag daw nakakumpleto, magwiwish ka tapos matutupad yon? Hahahaha. Sa siyam na gabi na yon, kasama sa prayers ko na, 'Lord sana po classmate ko si Ashley next school year'. Eh parang di yata ko nakakumpleto non eh, kasi may namiss yata kong isang gabi. De ayon, nalungkot ako. Kaya sa tuwing nagdadasal ako, kasama padin yon sa prayers ko. Hahahaha. Edi nung mga bandang paApril na. Nadagdagan na ang sinasabi ko sa prayers ko! Hahahahaha ang line ko na eh, 'Lord sana po classmate ko si Ashley ngayon. Kahit ito nalang po ang regalo Nyo sakin ngayong birthday ko.' Tapos nung nakalagpas na yung birthday ko, ang line ko naman na eh, 'Lord sana po classmate ko si Ashley, kahit late na birthday gift Nyo na po sakin.' Hahahahahaha, nanunumbat pa ko na late na Siya magregalo hahahaha. Tas de ayon na nga! Napakalupet talaga na nung makita ko yung list eh, may Gomez. Waaaaah!!! Magkachat pa tayo non diba? Nung tinweet ni Nard yung list. Tbh, sobra sobrang smile ako nung nakita ko yon. Yung mukang timang smile, mga ganon siguro. Tas eh super thank you ko non kay Lord. Galing tumalab ang pamimilit skills ko. Or baka meant to be talaga na mangyari  yon? Well, who knows.. Hahahaha! Oh first day na! Hinahanap ko non si Yow kasi di ko alam san kami uupo, tas nung dumating na sya naghanap kami ng pwesto tapos de dun na nga kami umupo, balak nga namin na ilipat yung bag nung katabi ni Yow kasi dun namin pauupuin si Aerold, eh di naman namin alam kung kaninong bag yon, kung kakalkalin naman namin ang bag eh nakakahiya naman di pa naman namin gamay yung mga bago naming kaklase so hinayaan nalang namin. Dun na kami pumwesto sa tabi nung bag na dapat bubuksan namin. Tapos nung pagbalik na sa classroom, ikaw pala nakaupo don hahahahaha! Ehem ehem, meant to be ehem ehem. Hahahaha. So ayon lang, buti pala di namin kinalkal ang bag, de nagkaron pa ng element of surprise hahaha! Ang daldal ko, dami kong hanash dito oh. Hahahaha. 
Nakakatuwang isipin na binalato na satin ni Lord 'tong huling taon sa high school no? Gusto ko man ienumerate lahat ng mga nangyari sa taong to eh, parang di ko ata kakayanin itype lahat. Well bukod sa ang dami, (actually sobrang dami kasi busog na busog talaga tong taong to, mula sa kauna-unahang selfie hahahahaha hanggang sa mga napakaraming tampo tampo na nagpaparinigan pa sa twitter na mukang mga tanga hahahahahaha tapos sa mga pagsundot sundot ng kilikili, hanggang sa mga araw na gusto mong lumipad, pati yung retreat na nakita mong nakanganga ko na aliw na aliw ka pati sa paghihilik ko, at sa mga bawat araw na pinipicturan mo ko ng nakanganga, nakatulala, ng nagsasalita, ng tumatawa, ng nakapikit at kung ano ano pa, pati sa mga bawat landi natin sa buhay at sa mga bawat drama ko sa buhay, basta napakadami niya) parang di ko talaga kakayaning ienumerate lahat kasi baka pag naalala ko palang yung particular na moment na yon eh matatagalan na kong matapos kasi aalalahanin ko na lahat tas ngingiti ngiti na kong parang tanga hahaha. Kasi masaya! Ang saya kayang alalahanin ng mga arte natin sa buhay! Kahit nga basahin lang mga sulat sulat eh ang saya na eh, pano pa kaya pag inaalala pa diba? Ramdam mo ba ko? Ganto ka din ba o ako lang? Hahaha anyway ano naman kung ako lang. Hahahahahaha.
Eh pero. Masaya ka ba? Naeenjoy mo ba ha? Hahahaha. Kasi parang ngayong taon na to, parang feeling ko puro ko iyak. Puro ko drama. Puro ko isip ng kung ano ano. Pansin mo ba? Waaah, humihina na ba ko?! Hahahahaha anyway dati pa naman nga pala eh di naman ako kalakasan pagdating sa usapang emosyon hahahaha. Hoy wag kang magsasawa na sermonan ako ng mga bagay bagay ah, lalo na kung sobrang sarado ng isip ko para maisip yung mga ganon. Please please? :( :) Tapos eh, kung hindi naman ako puro iyak, puro toyo naman. Haha. Kelan ba ko magiging normal no. Pasensya wah, lalo na kapag ang walang saysay ng kinakatoyoan ko. Pati pag di mo na naiintidihan yung mga demands at rants ko, pati pag banong bano ko sa mga bagay na parang wala ng lutas. Hahaha. Pasensya na pak, nagbespren ka ng dinosaur eh. Ano pa nga bang inaasahan mo. Hahaha. Ang dami tuloy mga kemeng nangyayari pagtinotoyo ako. Minsan tuloy iniisip mo pa kung may sala ka ba kahit wala naman, kahit purong katoyoan ko lang yon. Tapos pag may toyo ka na eh sasabayan ko pa minsan kaya ayon nagkakasalpukan mga toyo. Mga kaabnormalan sa buhay na ginagawa ko. Haha. Sorry wah bespren. :( Pero maiba ko, natandaan mo ba nung minsan, sinabi ni Mam Martinez na, Sa bawat wish na tinutupad ni Lord, may mga kapalit na consequences yon. Alam mo bang pagkasabing pagkasabi niya non, napaisip ako agad, and kinabahan at the same time, kasi diba grinant nga ni Lord yung wish ko? What if may mga consequences nga? Counted ba 'tong mga lq na 'to don? Counted ba 'tong mga naiisip ko na kung ano ano? Well anyway, kung may mga consequences nga na kapalit yung wish kong nagrant, ano naman. Kaya natin yon diba bespren! Magaling kaya tayo wala kaya tayong sakit! Saka ano naman. Kaya ba tayo non? Solid tayo diba? Diba? :)
Ang dami ko ng nasulat pala bespren. Mahal mo padin naman ako kahit ang daldal ko diba? Pasensya ka na dami kong hanash dito, mahal lang kita sensya na. ;)  
Bilang panghuli, naalala mo ba yung sinulat mo non sa retreat letter mo sakin? Sabi mo, kung gusto kitang mapasaya, wag lang kitang iiwan. Well, sumaya ka na lol. Gusto ko lang pong sabihin na di kita iiwan. Wala akong balak. At wala din akong lakas na gawin yon. Nandito lang ako forever, at mamahalin lang kita forever, ha bespren? :) 

Perks of being Pak's Yu


  • Una sa lahat, nagiging maganda ko. Wala ng dapat kwestyunin sa mga ganong bagay. Next!
  • Natutunan kong maappreciate kahit papano ang mga nakakaantok na tugtugin.
  • Naconfuse ako sa sarili ko. Pogi mo kasi bespren eh. (counted ba to? Hahahahahaahahahaha! Pero kalimutan na natin ang mga ganong pangyayari sa ating buhay dahil kinikilabutan na ko ngayon pag naiisip ko yon XD)
  • Nasanay akong mamakyu lagi. Pero sa isang tao lang, lagi. 
  • Nadiskubre ko na may mas mabaho pa pala sakin at ikaw yon, na nagbabasa nito.
  • Nagkasaysay ang wechat ko. 
  • Nalaman kong di pala duling ang mga nakasalamin, malabo lang talaga mata nila.
  • Before, I'm the coldest person on earth, chos. Dati di lang ako sanay magpakasweet at clingy sa mga taong gusto kong pasweetan at kaclingyhan. Dati yung pagiging concern ko sa isang tao eh lagi kong dinadaan sa joke or insulto. Until one day, a monster named Pak planted a cheese on my bone! Gosh!  It was so damn ouchy! But after that, I became the sweetest and the clingiest dinosaur on earth. #selfproclaimed P.S. sure ako na ikaw may kagagawan sure na sure wag kang aapila pls
  • Nagkakaroon ako ng madaming realizations. Lalo na kapag nakakapag-usap tayo tungkol sa mga seryosong bagay. Madami kong nauunawaan, lalo na sa mga bagay na akala ko eh normal lang na nandyan. Yun pala, may mga saysay pala talaga sila sa mundong ito. Natulungan mo kong marealize yung mga ganong bagay, namulat ako ng husto. Thank you. :)
  • Everytime na feeling ko pinagtitripan ako ng universe, and when I'm so upset na di ko na alam kung sino mapaglalabasan ng mga hinaing ko sa buhay eh, laging may Pak na nandyan para pakinggan ang mga drama ko na walang humpay and at the same time, para sabihan ako kung tama ba o mali yon, at para bigyan ako ng mga pampalubag loob words. So another thank you for that. :)
  • Kung wala ka, baka sobrang nabaliw at nasiraan na ko ng ulo kakabully saken ng lahat. Alam kong kaya ko namang dedmahin lang silang lahat, kaya kong makipagbalibagan din ng pambibwisit at ng kung ano ano pa, pero hindi lagi. Syempre diba may ending din naman tong pagtitimpi ko, so thank you. Kasi kahit na nakikisali ka din sa mga pambubully nila eh, you still end up defending me lol. Kahit binabatas ka ni Fia sa pagtatanggol mo sakin, pinagtatanggol mo pa din ako. Haha. Thank you. Baka kasi nga, kung di ka pa gumaganon baka tuwing iniinis nila kong lahat anytime magbreak down na ko agad hahaha. Thank you for being my kakampi forevs. :)
Hello there best friend loves! :)
Wala lang. I love you lang. Haha. Alam mo yung feeling na gustong gusto kita laging sinasabihan ng I love you? Na kahit alam kong paulit ulit na eh wala padin akong pake kasi, duh. Love kita, at di sya maubos at mauubos. Kaya sasabihin at sasabihin ko sya hanggang sa gusto ko kasi gusto kong alam mo. Gusto kong aware ka. Gusto kong di ko lang napaparamdam sayo. Kahit pa sabihing 'actions speak louder than words', lakompake. Kasi alam ko naman na hangga't maaari eh nagagawa ko naman yung actions at words pareho eh, diba? Umoo ka! Hahaha. Anyway, mahal kita. Mahal na mahal na mahal pa nga na kung itatype ko siguro baka abutin tayo ng siyam siyam sa pagtatype at pagbabasa. Wala eh. Mahal nga kasi kita! Hindi ko alam pano, bakit, kelan, saan nangyari ang lahat pero feeling ko isang araw nagising nalang ako tapos mahal na kita. La eh, bespren meant to be talaga tayo sinasabi ko sayo! Haha. 
Nga pala. Alam mo ba na sobrang proud na proud ako sa bawat naaachieve mo sa buhay ha? Deep. Haha. Pero seryoso. Sobrang kamalaki malaki ka kaya (wala mang word na kamalaki malaki, eh bat ba). Meron kang mga bagay na nagagawa na talaga nga namang kaproud proud kahit na mukang di ka aware don. Galing no. Kahit na akala mo wala wala lang yung nagawa mo na yon pero nagkakamali ka. Haha. Pero basta. Mahirap iexplain pero totoo yon! Sabi nga ni Vhong, I proud of you. ;)

Nakakaproud, nakakatuwa, at napakasarap isipin na habang tumatagal na magkasama tayo, feeling ko eh nagbabago ka unti unti. Sa positibong (idk kung positibo) paraan. Yung alam mo yon, dati nung 2nd yr hindi ka ganyan kasaya. Lol kineclaim ko na. Wag kang kokontra. Hahahahaha. Yung tipong dati, di ka ganon kabaliw, kabano, kaabnoy. Yung parang may something pa na kulang sa mga ngiti at tawa, yung parang may tinatago pang konti. Ganon, basta alam mo yon. Tapos hanggang sa nagtatagal tagal, parang mas nagiging genuine yung ngiti mo. Yung wala ng pake sa mundo. Yung ang komportable mo na sa lahat. Yung ano naman. Mga ganon ba. Yung wala ng doubts, basta go ng go. Basta ang saya mo lang tignan ngayon. Lately ko lang yon narealize kasi nga syempre, I have the rights to compare lalo na at saksi naman ako sayo ng 3 taon haha. Tapos ang pinakagusto kong pagbabago mo sa lahat, di ka na ganong maselan. Nakakaproud sarili ko, yung napakaarte kong bespren non eh medyo maarte nalang ngayon. Hahaha. Syempre di naman maaalis agad yon hahaha. Pero ayon nga. Nag umpisa sa pag inom sa tubig ng may tubig, tas ang mga laway laway. Tapos kinakagat na kita. Kinakain ko na daliri mo. Tapos yung pffffft ko sa braso mo. Tapos komportable ka na ding anuanuhan ako ng laway laway mo, which I think eh di mo maisip na gawin dati, right? Haha. Kahit di naman ako maselan eh, alam kong di mo maisip gawin dati yon. Kasi kahit nga sa laway mo nandidiri ka eh, edi naano sa bibig mo laway mo non diba hahahaha. 
So ayun nga. Nakakatuwa bespren, sabihin mo ng ang assuming ko and the likes pero, idk. Feeling ko nalabas ko ang totoong ashley. Yung ashley nagtatago dyan sa loob loob mo 3 yrs ago and idk kung gano pa sya katagal nagtatago dyan. But I'm so blessed and happy, that you allowed me to bring out the real you. The real pak. The real monster. Lumabas din sa wakas ang monster sa lungga nya. Haha. And I'm hoping, na sana wag na ulit magtago ang monster. Pero ayos lang din naman, I love everything about you naman. But tbh, mas sobra kitang nagiging mahal sa mga simpleng pagbabago na yan. Kasi nakikita ko na, Wow. May progress. Di ko man kelangan non sayo, nakakatuwa padin na nakikita kong may nagbabago. Na mas nagiging komportable saken tong bespren ko. Na game na game sya sa lahat, anything under the sun. Haha. Di ko yon pinangarap, pero masayang masaya ko na nangyayari sya ngayon. :)