Saturday, February 7, 2015

Nakakaproud, nakakatuwa, at napakasarap isipin na habang tumatagal na magkasama tayo, feeling ko eh nagbabago ka unti unti. Sa positibong (idk kung positibo) paraan. Yung alam mo yon, dati nung 2nd yr hindi ka ganyan kasaya. Lol kineclaim ko na. Wag kang kokontra. Hahahahaha. Yung tipong dati, di ka ganon kabaliw, kabano, kaabnoy. Yung parang may something pa na kulang sa mga ngiti at tawa, yung parang may tinatago pang konti. Ganon, basta alam mo yon. Tapos hanggang sa nagtatagal tagal, parang mas nagiging genuine yung ngiti mo. Yung wala ng pake sa mundo. Yung ang komportable mo na sa lahat. Yung ano naman. Mga ganon ba. Yung wala ng doubts, basta go ng go. Basta ang saya mo lang tignan ngayon. Lately ko lang yon narealize kasi nga syempre, I have the rights to compare lalo na at saksi naman ako sayo ng 3 taon haha. Tapos ang pinakagusto kong pagbabago mo sa lahat, di ka na ganong maselan. Nakakaproud sarili ko, yung napakaarte kong bespren non eh medyo maarte nalang ngayon. Hahaha. Syempre di naman maaalis agad yon hahaha. Pero ayon nga. Nag umpisa sa pag inom sa tubig ng may tubig, tas ang mga laway laway. Tapos kinakagat na kita. Kinakain ko na daliri mo. Tapos yung pffffft ko sa braso mo. Tapos komportable ka na ding anuanuhan ako ng laway laway mo, which I think eh di mo maisip na gawin dati, right? Haha. Kahit di naman ako maselan eh, alam kong di mo maisip gawin dati yon. Kasi kahit nga sa laway mo nandidiri ka eh, edi naano sa bibig mo laway mo non diba hahahaha. 
So ayun nga. Nakakatuwa bespren, sabihin mo ng ang assuming ko and the likes pero, idk. Feeling ko nalabas ko ang totoong ashley. Yung ashley nagtatago dyan sa loob loob mo 3 yrs ago and idk kung gano pa sya katagal nagtatago dyan. But I'm so blessed and happy, that you allowed me to bring out the real you. The real pak. The real monster. Lumabas din sa wakas ang monster sa lungga nya. Haha. And I'm hoping, na sana wag na ulit magtago ang monster. Pero ayos lang din naman, I love everything about you naman. But tbh, mas sobra kitang nagiging mahal sa mga simpleng pagbabago na yan. Kasi nakikita ko na, Wow. May progress. Di ko man kelangan non sayo, nakakatuwa padin na nakikita kong may nagbabago. Na mas nagiging komportable saken tong bespren ko. Na game na game sya sa lahat, anything under the sun. Haha. Di ko yon pinangarap, pero masayang masaya ko na nangyayari sya ngayon. :)

No comments:

Post a Comment