Naalala mo pa ba nung napagtanto ko yung, Pano kung meron akong katulad? Kahit di ko kapangalan, pero kaugali ko, kapareho ko mag-isip, kapareho ng way ko ng pagsasalita, kapareho kong kumilos, kasing bano ko, kasing baho hahahahaha, kasing ganda, chos wala kong kasing ganda hahahaha. So ayon nga, pano nga kung meron pak? Tapos makikilala mo sya habang nagcr ako, kunware 15421323145651345623 decades ako magcr. Chos. Ipagpapalit mo ba ko sakanya bespren? Pipiliin mo ba sya over sa bespren loves mong maganda? Kung oo, ipagpapalit mo ko, eh pakyu! De joke lang (pero pakyu nga) hahaha. Bakit mo ko ipagpapalit? At kung hindi naman, eh pakyu padin! Hahaha, saka bakit mo ko hindi ipagpapalit? Pero para pala kong banong tanong ng tanong dito eh di ka naman makakasagot no? Hahahaha. Wala lang. Gusto ko lang makipag banuan sayo ngayong birthday mo. Hahaha. Pero bespren kung ipagpapalit mo man ako saka kung kakalimutan mo man ako, advice lang, mga one week ahead umpisahan mo ng wag magparamdam. Para kasi sa pagtunganga at pagnganga at pagtulala ko yung one week na yon eh, syempre di ko agad maaabsorb. Tapos pagkatapos ng one week na yon, ngangawa na ko forever. Aalagan ko na ang eyebags ko gaya ng pag-aaruga ni Yow ng kanya. PERO PUNYETA. WAG. PLEASE. :( Bespren kahit binigyan kita ng idea na kalimutan at ipagpalit ako wag naman please :( Kahit lagi kitang inaaway away at inaapi api, sobrang mahal naman kita no. Siguro yun ang magiging lamang ko sa kahit na sinong makilala mo na kaparehong kapareho ko. Ako mahal na mahal kita, eh siya ba may pagmamahal na meron ako sayo? Walaaaa. Ako lang makakapagbigay neto sayo! Kung ipagpapalit mo ko sa kahit na sinong poncio pilato, magsisisi ka! Mamimiss mo ang pagmamahal na nabibigay ko! At kesehodang anak pa yan ng sino man, ipapapatay ko yan! Hindi dahil sa insecure ako, kundi dahil ang lakas ng loob nyang agawin bespren ko aba! Sapakan kami ano. Sama ka? Referee ka nalang. ;)
Pero alam ko namang mahal na mahal mo ko. Diba?! Di mo ko pagpapalit sa kahit na sino. Diba?! Subukan mo lang. Makikita mo ang di mo dapat makita. Chos. Well kung nataon namang mangyari nga yon, de I'll strive harder para maparamdam pa yung pagmamahal ko sa bespren loves ko kung kulang pa yon. Hah. :)
No comments:
Post a Comment